"Life is the opportunity for pure creative soul-expression and it is completely up to you to decide what it looks like."
Ewan ko nga ba kung saan nanggaling ang impression na isa akong santo. Nang minsang kausap ko ang dalawang Accounting staff namin, parang wala raw akong ka-bisyo-bisyo sa katawan. Natawa talaga ako, kunsabagay, tama sila. Alien kasi sa akin ang sigarilyo, sugal at lalo na ang babae (winks). Minsan lang din kung madiligan ng alcohol ang lalamunan ko, at dapat tuwing Biyernes o Sabado lang. Sa puntong iyon, dun ko naisip magbiro. “Meron din naman akong bisyo ah,” sagot ko, “at addiction na nga ata – si Jed.” Pinagtawanan ko na lang sarili ko kasi totoo.

Alam nila na Jed fanatic ako. Yun ay tuwing mi papalapit na mga gigs, shows o concert niya, hindi ko mapilitang mag-advertise. Sa office kasi, pormang serious, di ba? Walang nagbabanggit ng non-political, non-money o non-office intrigues stuff. Sa mga ganitong hirit lang nila nakikita ang lighter side ko. Alam din ito ng Director namin (pinaka-Ma’am ko). Nung isang araw nga, nakita raw niya si Jed na hila-hila ang mga aso niya. Magkapitbahay lamang sila sa BF. Kung mi oras nga raw, papanuorin daw niya si Jed sa naka-schedule niyang gig sa Sitcom Las Piñas. At least, mi nadadagdag sa makaka-appreciate ng talent niya.
Certified fan nga sigurong matatawag. Pero pag ilagay mo si Jed sa harapan ko, daig ko pa ang sementeryo sa aking katahimikan. Starstruck ako sa kanya eh. Tulad nung December 30 gig niya sa Aruba, nang nakiupo siya sa table ng barkada bago siya nagperform. Kahit gusto kong magtanong at magtanong, natamimi ako. Hehe.
Ayun, paghanga sa talento niya, hindi na siguro mababago yun. Mga isang taon na ring simula ng makilala ko na may Jed Madela na abot-langit ang galing. Sa isang mall tour yun sa SM Bacoor, salamat sa impluwensiya ni Sam. Naging inspirasyon ko na rin ito. Minsan, badtrip ako sa mga dyip at MRT na nasakyan ko isang araw, pero nang narinig ko sa PA system ng Edsa Central Mall ang kanta nya, parang kay gaan na ng araw ko. Pampawala ng stress ang epek, hehe. Isa rin ito sa napapagkasunduan naming ng partner ko, minsan sagot sa mga toyo ko.
Nitong major concert niya sa Music Museum, lalo pa akong humanga. Isang number dun ang tumatak, nanuot sa mga ugat ko. Niyapos ng pulang ilaw ang kaniyang mukha habang maririnig mo ang pag-awit niya ng Gethsemane:
Then, I was inspired./ Now, I'm sad and tired./Listen, surely I've exceeded expectations,/Tried for three years, seems like thirty./Could you ask as much from any other man? But if I die,/See the saga through and do the things you ask of me,/Let them hate me, hit me, hurt me, nail me to their tree./I'd want to know, I'd want to know, My God,/I'd want to see, I'd want to see, My God,/Why I should die?
Thrilled. Amazed. Ecstatic ako. Di ko makalimutan ang gabing iyon.
Di ko na inisip kung ano ang epekto nito in the long run. Kung lumampas man sa border ng kabaduyan, hahayaan ko lang. Ang kadakilaan naman ng isang tao ay hindi nasusukat sa kung gaano siya sinasang-ayunan ng alta sociedad. Kung minsan, kailangan din natin ang magpaka-fanatic, ito’y isang indikasyon ng pag-apak natin sa lupa dahil kinikilala natin ang kagalingan ng ibang tao. Hindi sa gusto kong maging dakila. Gusto ko lang magpaka-tao. Ito siguro ang naituro sa akin ng bisyo ko na kung tawagin ay Jed Madela. Bow. (grins)