"Life is the opportunity for pure creative soul-expression and it is completely up to you to decide what it looks like."
Halos tatlong oras lang kami sa Rizal Re-Creation Center, pero sulit. Sumaglit lang para bisitahin ng Ate Libet ko ang kaibigan at dating teacher na si Rev. Mauk. Ang saya ng experience! May pool sila na pure spring water ang tubig. Isa sa mga bumati sa amin dito si Sandy, ang aso ni Rev. Mauk. Una natakot ako dahil ang laki nga, pero dahil St. Bernard siya, very tamed naman. Mi mga games din sila dito na unique: croquet at golf pinoy-style. Nasubukan ko isang challenge course, dun ko napatunayan ang hina ng legs muscles ko, hehe. Sinubukan ko rin ang duckpin bowling, mi potential pala ako dito, haha. Habang nandun kami, nagkalat ang mga kano at koreano, parang united nations nga eh. Ang sarap din kasi si Rev Mauk mismo ang nagtour sa amin, ang galing niyang managalog. Sayang nga at sandali lang kami kasi bibiyahe pa kami ng Infanta, Quezon. Gusto kong bumalik dito. Kasama ang minamahal...
Visit their site for more info: http://www.re-creationcenter.com
Tatay,
Ayokong umiyak. Pero nung nakwento ni Toto ang mga huling araw mo, hindi ko napigilan ang pagluha. Nandun ang pagsisi ko sa sarili ko sa di pagdamay sa iyo. Ramdam ko sa bigat ng boses ni Toto ang hirap mo. Sabi niya, hindi daw natapos ang pagluha mo nung una niyang hinawakan ang kamay mo.
Not that soon. Pero sadyang ganyan. Mga frustrations na isinabay ko na lang sa mga lupa na itinambak sa huling himlayan mo.
Hindi na ako lumuha pagkatapos nun. Bound by my Christian faith, alam ko na ang pagkamatay ng isang minamahal ay hindi dapat ipagluksa kundi ang ipagdiwang ang buhay niya. My memories of you are not that many, but it will always be cherished,
Sabi ko nga nung pinagsalita nila ako pagkatapos ng pinakahuling service para sa iyo, simple lang: I hope he had found the meaning of his life. Lumaki kasi akong nakita ka na parang wala kang tinitingnang direksiyon sa buhay. Isang impression na nai-pasakop ko sa sarili ko, kung saan tingin ko ay “mahina rin ako”. Ang hindi ko nakita ay ang magandang aspeto ng tinatahak mo – sa kasimple-han ang kadakilaan mo. Simpleng buhay ang gusto mo, na minsan ay hindi ko naintindihan. Ngayon lang. Sa mga malilit na bagay mo nakikita ang kabuluhan ng lahat. Nakikita mo iyon sa mga halaman na naipapalago mo. You are more than a man with a green thumb,
Salamat. Salamat. Isang araw at isang gabi lang ng lamay ang naabutan ko. Subalit napaka-makabuluhan ang maikling panahon na yun. Nakita ko ang strength ng pamilya,
Sa mga pagkakataong sinisi kita, sa mga panahong wala akong maramdaman kundi ang galit ko sa ‘yo, ipagpaumanhin ninyo po. Minsan makitid ang pagtingin ko sa mga bagay-bagay. Anak mo pa rin ako.
Sa susunod kong mga luha, Hindi ko na maii-relate yun sa iyo,
Nagmamahal,
Loloy


Pagkatapos kong mapanood ang pelikulang Aleman na ito, inilinya ko agad ito sa mga pinaka-maganda sa mga napanood ko. Isang kuwento ng pagkakaibigan noong panahon na namamayagpag pa si Hitler; nakapagrealize tuloy ako na sa paghihirap talaga nakikita ang pagka-"tao" ng isang tao. Ang lungkot ng ending, pero ang ganda ng pagkadeliver ng buong istorya.
Synopsis from www.comingofagemovies.com
As Hitler launches the first major military aggressions of World War II, the strongest and smartest German young men enter exclusive schools known as "Napolas" to train as future leaders of the Third Reich. In 1942, a recruiter from one such Napola sets his sights on Friedrich, a talented adolescent boxer, who sees the training and prestige offered by the Napola as his ticket out of an impoverished family unit run by his anti-Nazi father.
In the Napola, Friedrich learns to fight without pity, becoming a formidable killing machine. Propagandistic classes reinforce a hardened worldview of his Aryan superiority.
Meanwhile, Friedrich forms a bond with fellow cadet Albrecht Stein, an aspiring writer and son of the local Nazi governor. Governor Stein dotes on Friedrich, barely masking his contempt for his own son’s sensitivity. But Friedrich admires and empathizes with his friend, even though Albrecht criticizes Friedrich’s brutality in the ring.
As the war escalates, the school's military training also intensifies. Unscrupulous trainers humiliate the more vulnerable cadets in front of their peers and send the others out on dubious war game exercises. In one such nightmarish event, they instruct Friedrich and Albrecht to shoot escaping POW’s who turn out to be unarmed Russian civilians. Tormented with guilt, Albrecht rebels, and Friedrich must choose between his sworn allegiance to the Fuehrer and his best friend’s moral imperative.

Ayokong magsulat ng ganito, pero ka-ipokritohan na kung itanggi ko pa. Nami-miss kita.
Hayaan mong mag-ala walking down the memory lane ako. Nung magtawagan kasi tayo ng “bes”, napakalaki ng impact nun sa akin eh. Sa buong buhay ko kasi, wala akong naging ka-close talaga, kasi halos lahat, maituturing ko na acquaintances lang. Mahirap akong pakisamahan eh, marami akong walls. Nagbibilang lang talaga ako ng kinakaibigan. Ang masaklap, hindi tumatagal. Hindi ko lang alam kung ako ang iniiwan o marahil ako ang nang-iiwan nang di ko namamalayan.
Napapag-isip nga ako lately. Dahil siguro sa schizophrenic/autistic ako. Basta na lang akong nakikitang nakatitig sa kawalan. Dahil siguro sa insecurities ko. Bugbog na sila sa pag-boost ng self-esteem ko nang wala naming epekto sa akin. Dahil siguro sa pisikal kong anyo. Nakakahiya akong kasabay kasi bukod sa napaka-conspicuous na ako dahil sa laki, eh palagi pang nakasimangot. Isa ba dito ang dahilan kung bakit wala ka na ngayon?
Gusto kong ibalik ang mga araw. Natandaan mo nung unang gabi tayong nagmeet? Halos iniwan ko ang “kasama” ko noon dahil kausap kita magdamag. Nagtampo ang “kasama” ko, pero wala akong pakialam, basta idinahilan ko na hindi pa tapos ang usapan natin. Nararamdaman ko kasi nung kausap kita na hindi lang sa gabing iyon matatapos ang usapan, na mag-uugat iyon sa malayo pang pagsasamahan. Ikaw yung “friend at first sight” ko.
Kaya nung minsan ngang super bad trip ako sa isang ‘anticipated relationship’, pasalamat ako at nandun ka. Ka-kornihan sa akin ang phrase na “cry on your shoulder,” pero literally yun pala ay mangyayari rin sa akin, ang umiyak sa balikat mo habang pinapayuhan mo ako. Dun ko na-realize na hindi ka puro biro, o puro libog, dahil nakaka-bilib pala ang insights mo. Dun ko nakita ang utak at puso mo. Napaka-sarap ng pakiramdam may umalalay na kaibigan. Napayakap pa nga ata ako noon. Tapos nagsumpaan pa tayo sa tawagang “bes,” talo ko nito ang feeling ng isang lalaking sinagot ng pinaka-magandang babae sa buong mundo.
Ang gaan kasi ng pinagsamahan dati. Pareho pa tayong ‘single’ noon. Magkasama tayo sa “hunting” times. Kung ako ang tinitingnan ko, ang mga mata (mahilig sa singkit), ikaw naman lips. Sabi mo pa nga noon, ano ba ang gagawin ko sa mata, di naman nahahalikan yun, natawa na lang ako. Hanggang sa nagkaroon ako ng partner. Alam mo bang hindi pa naging “kami” hanggat hindi ko naririnig ang opinion mo sa pagpasok ko sa relationship na yun? Ikaw ang pinakinggan ko, bes. Ikaw naman, patuloy sa paglalaro, ilang libo ba ang naloko mo? Kaya nga natuwa ako nung ma-meet mo at magsettle ka sa labidabs mo ngayon. Botong boto ako sa kanya, kasi pakiramdam ko siya na ang katapat mo, na aalagaan ka niya.
Pero mukhang napapadalang ata ang ating komunikasyon. Busy ka sa labidabs, yan ang laging naririnig ko. Minsan gusto kong magtampo, pero walang dahilan. Hayaan mo lang akong magdrama ngayon. Kasi tuwing bagong taon, isa lang ang hinihiling ko sa Diyos – ang isang tunay na kaibigan. Nung dumating ka, wala akong pagdududa na tinupad Niya ang panalangin ko. Pero ngayon, medyo nag-iba yata. Kinukulit ko na ulit ang Diyos, kasi hindi na kita nakikita.
Nami-miss lang kita, Bes.

Nariyan pa rin ang stigma. Minsan nakikilahok rin ako sa mga hirit tulad ng “nakipag-brokeback yan eh kaya nawawala…” kasabay na rin dun ang pagtawa. Sa mundo kasi ng trabaho ko na tila iisang aspeto lang ng machismo ang nakikita, dapat lang na makiayon. Pero may mga pagkakataon na makakakita ka ng deviations. Isang agahan nuon, ang mga babaeng ka-opisina ko nanuod daw ng Brokeback kaya napag-usapan nila ang relasyong ganun. Tahimik akong nakikinig sa kanila. Nakakapagtaka, wala ni isa man sa kanila ang may paghusga. Sa isip ko, marahil, nagiging bukas na ang mundo sa aspetong ito.
Ang Brokeback Mountain ay kuwento ng pag-ibig na alam ng lahat na nariyan lang, pero dahil sa “norms” ng society, nagiging mahirap isabuhay ng normal. Dun ko nagustuhan ang atake ng pelikula. Tahimik, simple, hindi maingay… taliwas sa pino-portray ng tv media (e.g., Will and Grace sa mainstream, Queer as Folks sa underground, etc.). Hindi rin kakakikitaan ng exaggeration lalo sa stereotyping (e.g. Philadelphia, etc.) Nakuha nina Heath at Jake ang apparent behavior ng mga nataguriang “discreets”. Hinayaan pa tayong iduyan sa pag-develop ng characters nila hanggang sa kung bakit nabuo ang “bond.” Maaari nating sisihin ang bundok sa kanyang abot langit na kagandahan na nang-engganyo sa dalawang pusong lumampas sa lebel na dapat asahan sa kanilang pagkakaibigan. Puwede ring ibunton ang sisi sa mga tupa, kung pwede lang kasing huwag na silang alagaan e di sana di na sila nakatagpo pa. At marami pang kababawan sa maaaring i-konek, subalit ang realidad ay basta na lang tumambad – nag-iibigan sila.
Nakita rin dito na di na kailangan banggitin ang “I love you” para sabihing tunay ang nararamdaman. Nung eksenang una silang magkakahiwalay para bumalik sa kani-kanilang buhay, halos maglumpasay si Ennis (Heath) sa lupa sa pigil na pag-iyak at matinding emosyon, doon makikita ang genuine na nararamdaman niya kay Jack (Jake). Mas lalo na nang magkita sila ulit pagkalipas ng ilang taon, sa mga yakap at halik nila, di maipagkakaila (never a cheesy scene!). Pero kailanman di nawala sa dalawa ang buong-buong mascunility lalo na sa pagharap nila sa kani-kanilang pamilya; si Ennis nung sinusuway niya sa maiingay na mga lalaki (ung mi mga fireworks) habang pinapatulog ng asawa niya ng mga babies nila at ang pag-prioritize niya sa kanyang anak kung saan medyo naging secondary lang si Jack kahit na nung pagkatapos ng divorce niya, at ang kay Jack naman nung hinarap niya ang biyenang lalaki sa pagsapaw ng pagdesisyon niya para sa anak (panunuod ng football habang kumakain).
Ang lakas talaga ng pelikula ay nasa istorya nito. Sinabayan na lang ng nakakamanghang cinematography. Isang shot duon na nagbubuo ang mga grey clouds, kung saan kaakibat ang mga eksenang nagugulimahanan ang dalawa dahil sa sekswal na nangyari sa kanila isang gabi. Swabe talaga ang pag-atake at kahit sa mga backgrounds lang, nakakapag-invoke ng dapat na maramdaman ng manunuod.
Ngayon, iniisip ko kung ano kaya kung hindi tragedy ang Brokeback at hindi namatay si Jack, mas okay kaya? Pwede ring maging effective pero magtatapos din yun sa physical na paglalayo sa kanilang dalawa. Nandun kasi sa distance ang nagbigay ng multi-level na dimension ng kanilang love story. “I wish I knew how to quit you,” sabi nga ni Jack. Kung nagkataon, malulunod lang sila sa isa’t-isa at pilit paglaruan ng tadhana upang pahirapan ang sitwasyon nila hanggang sa kawalang-gana na lang ang maging dahilan ng paghiwalay nila. Sa ibang salita, tinapos ng maganda ang pelikula, at di ka na mag-iisip ng iba pang paraan para tapusin ito.
Ang istorya ay nangyari noong 1963. Hanggang ngayon, nandyan pa rin ang di-pantay na pagtanaw sa pag-iibigan sa kapwa kasarian. Nabawasan man ang pagtutya, mas naging matindi ang kapalit – ang hypocrisy. May mga taong magpapakita ng pag-recognize sa relasyong ganito, pero nandun ang aspeto ng gamitan o pagmane-obra sa pagkatao ng mga sangkot sa ganitong relasyon upang hindi maging kahiya-hiya sa ibang tao. Sabi ko nga sa simula, nandyan pa rin kasi ang stigma. Ngunit sa mga taong kasalukuyang dinadanas ang stigmang ito, isang paglago na sa kanilang pagkatao ang kaakibat na struggle. Ang Brokeback Mountain ay isa lamang magandang paglalahad ng nangyayari. Kaya siguro, marami ang nagandahan dito. Hindi man pinanalo sa Oscars bilang Best Picture ngayong taon, siya pa ring ang pinaka-mainam na paglalahad ng emosyon, paglaban at katotohanan. Sa personal na pagtimbang, ang “Crash” ay nanalo sa tapang ng pag-ungkat nito sa “discrimination”, pero marami dun ay exaggeration, mabababaw na mga linya at fragmentation ng mga eksena. Ang kagandahan, ang pangkasalukuyang panahon ay ang unti-unting pag-alis ng mga pader na humihiwalay upang tingnan natin ang ating kapwa sa kanyang kaibuturan – ang kanyang pagkatao.
-0-

I love this girl's performance in Memoirs of Geisha.
Ewan ko nga ba kung saan nanggaling ang impression na isa akong santo. Nang minsang kausap ko ang dalawang Accounting staff namin, parang wala raw akong ka-bisyo-bisyo sa katawan. Natawa talaga ako, kunsabagay, tama sila. Alien kasi sa akin ang sigarilyo, sugal at lalo na ang babae (winks). Minsan lang din kung madiligan ng alcohol ang lalamunan ko, at dapat tuwing Biyernes o Sabado lang. Sa puntong iyon, dun ko naisip magbiro. “Meron din naman akong bisyo ah,” sagot ko, “at addiction na nga ata – si Jed.” Pinagtawanan ko na lang sarili ko kasi totoo.

Alam nila na Jed fanatic ako. Yun ay tuwing mi papalapit na mga gigs, shows o concert niya, hindi ko mapilitang mag-advertise. Sa office kasi, pormang serious, di ba? Walang nagbabanggit ng non-political, non-money o non-office intrigues stuff. Sa mga ganitong hirit lang nila nakikita ang lighter side ko. Alam din ito ng Director namin (pinaka-Ma’am ko). Nung isang araw nga, nakita raw niya si Jed na hila-hila ang mga aso niya. Magkapitbahay lamang sila sa BF. Kung mi oras nga raw, papanuorin daw niya si Jed sa naka-schedule niyang gig sa Sitcom Las Piñas. At least, mi nadadagdag sa makaka-appreciate ng talent niya.
Certified fan nga sigurong matatawag. Pero pag ilagay mo si Jed sa harapan ko, daig ko pa ang sementeryo sa aking katahimikan. Starstruck ako sa kanya eh. Tulad nung December 30 gig niya sa Aruba, nang nakiupo siya sa table ng barkada bago siya nagperform. Kahit gusto kong magtanong at magtanong, natamimi ako. Hehe.
Ayun, paghanga sa talento niya, hindi na siguro mababago yun. Mga isang taon na ring simula ng makilala ko na may Jed Madela na abot-langit ang galing. Sa isang mall tour yun sa SM Bacoor, salamat sa impluwensiya ni Sam. Naging inspirasyon ko na rin ito. Minsan, badtrip ako sa mga dyip at MRT na nasakyan ko isang araw, pero nang narinig ko sa PA system ng Edsa Central Mall ang kanta nya, parang kay gaan na ng araw ko. Pampawala ng stress ang epek, hehe. Isa rin ito sa napapagkasunduan naming ng partner ko, minsan sagot sa mga toyo ko.
Nitong major concert niya sa Music Museum, lalo pa akong humanga. Isang number dun ang tumatak, nanuot sa mga ugat ko. Niyapos ng pulang ilaw ang kaniyang mukha habang maririnig mo ang pag-awit niya ng Gethsemane:
Then, I was inspired./ Now, I'm sad and tired./Listen, surely I've exceeded expectations,/Tried for three years, seems like thirty./Could you ask as much from any other man? But if I die,/See the saga through and do the things you ask of me,/Let them hate me, hit me, hurt me, nail me to their tree./I'd want to know, I'd want to know, My God,/I'd want to see, I'd want to see, My God,/Why I should die?
Thrilled. Amazed. Ecstatic ako. Di ko makalimutan ang gabing iyon.
Di ko na inisip kung ano ang epekto nito in the long run. Kung lumampas man sa border ng kabaduyan, hahayaan ko lang. Ang kadakilaan naman ng isang tao ay hindi nasusukat sa kung gaano siya sinasang-ayunan ng alta sociedad. Kung minsan, kailangan din natin ang magpaka-fanatic, ito’y isang indikasyon ng pag-apak natin sa lupa dahil kinikilala natin ang kagalingan ng ibang tao. Hindi sa gusto kong maging dakila. Gusto ko lang magpaka-tao. Ito siguro ang naituro sa akin ng bisyo ko na kung tawagin ay Jed Madela. Bow. (grins)

It is more than a story of an orphan boy turning into a powerful wizard. When Alfonso Cuaron made the third installment a little bit darker and thematic, I set my benchmark – that is how the movie should look like! He efficiently played on the idea of time and its effect on growing teenagers who faced not-so-ordinary challenges. He took off from the shimmer of magic and set the tone of coming-of-age struggles. I felt their humanity, making The Prisoner of Azkaban one of the best adaptations for me. This made my expectations for the Goblet of Fire a bit higher.
There is a lot of fuzz before I saw the latest film. In an interview with its new director Mike Newell, he summarized the plot wherein “the good guy, the innocent at the center of it, knows absolutely nothing at the beginning and the bad guy knows everything and has a plan. The shape of the film would be that the good guy catches up bit by bit as you go through the story, until to his horror he finds himself absolutely at the center of the bad man’s machinations.” That makes up a good thriller. After watching it myself this weekend, I had to concur. It succeeded in giving me thrills.
The fast pacing of scenes helped. The Quidditch World Cup up until the Triwizard Tournament ran superb. Some details were obviously not included in the film. Dobby helped Harry to breathe underwater by giving him gillyweed (Neville replaced him in the film), while Winky had great role as Crouch Jr.’s loyal servant (posing as Moody Eye). Both house elves were absent in the adaptation. Dursleys are never mentioned too and some others. But the screenplay fitted well with all the minor revisions as the film’s “narrative economy” eliminated the novel’s tendency to be superfluous.
It was also visually stunning. The flight of the Beauxbaton’s carriage and the surfacing of the Durmstrang’s galleon put me in awe. I love the Hungarian Horntail’s chase scene (first task), the Great Hall’s decorations for the Yule Ball and Lord Voldemort’s full transformation into a mortal. My imaginations when I was still reading the book were surpassed by what I saw in the film. They chose great casts too. Cedric Diggory was perfect (Rob Pattinson), my fave character in the book, where his unlikely friendship with Harry in short time just before his death was shown better. Ralph Fiennes as the Dark Lord brought out the fury with his portrayal. Rita Skeeter and Madam Maxine (and her loveteam Hagrid) both provided the giggles. But what I adore much was Moaning Myrtle’s bath scene with Harry. She was a total flirt to the nth degree. (chuckles)

But taken as a whole, the film is spell-bindingly good. As of this time, many Filipinos agree with me since it sets the local box office on fire with the record breaking P 105M opening weekend. It represents the “highest debut ever for a Warner Bros. title and the all-time biggest November opening in history … also breaking the opening gross of this year’s biggest Star Wars Episode III’s P 49.8M mark.” It also was shown in an unprecedented 267 screens across the country.
I can’t wait to have a DVD copy of the film. I assumed it will be darker and more introspection-centered characters for the succeeding films. As one article said, “desire (eros) and death (thematos) are what Harry Potter and the Goblet of Fire is about.” The rise of the Dark Lord promises to be the start of the intensified battle, however, there is always love and friendship among the main characters which can win it through. And there is always a Muggle like me who will feast on the magic of it all. (Pol Perocho)

When I met my high school classmates this weekend, I felt like I opened a box of toys. They were of different kind, but all gave delight.
There’s Grace, the ballerina of the music box. As soon as she came in, all was mesmerized with her stunning red dress and witty, sexy talks. I never saw her like that before. She was a simple church mate then. Now she is proving something. The way she behaved in front of us, it seemed like enchanting music exudes from her.
Then there’s Jo. When I was in college, I could see her more often since her dorm was near my place in Manila. She never changed her ways, her happy ways. She is the squirt gun. Every time she squeezes out her liquid laughs, you will surely burst with giggles. She is the natural, free flowing type. It’s easy to blend with her.
The ladies Mammel, Jemai and Sarah are the Lego blocks. Talking with them separately, they are building their blocks and surviving their own struggles. Mammel is working somewhere in Makati, Jemai is happy with his fiancé Sanji (guy with serene, kind face) and Sarah is on her third year Nursing course. I barely talked with them before, yet I find sensible conversations every time I did. Simplicity has more to offer with these lasses. So with Onang. There’s nothing flamboyant about him, but he is an all interesting fellow. He is the jackstone. He got ball and stones delighting kids in play. All of us noticed him gaining weight, but what stuck on me was his whisper to Jo and Nor claiming that he has a girlfriend now. Both girls exploded in loud laughs.
Speaking of Nor, she is always timid and maintains the lady-like gestures. She blooms with it. She is the Barbie. I wonder what’s more to it. Sitting near her is Raoul, my rival back in high school. Now, I consider him a friend, casually. Just like when I played with toy trucks, he is like one of them. I will have to wait his transformation into a full pledge robot – he will be a doctor soon. The toy robot is Totoy. I told him that he is more like my older brother Toto. They had the same accent and attitude, how interesting! I remembered him as one of the playboys in our class. Yet, he has this gesture which resembles a battery-operated robot. He brings smiles to others with it.
Arriving late, Dyani is the toy soldier. Stiff as it is, you can appreciate its use only if you move it your way. There are a lot of changes in the last year, I guess. I felt negative approaching him. When I tried to crack a conversation, I failed. All the questions running in my mind the night before, upon learning that he might come, were left unanswered. I can only speculate for reasons, but I cannot blame myself missing the old him who can stir the laughs in the group with his hirits. Part of my college days were the times being close to him, and I miss those buddy days. Although I felt the old connection when he teased the sampaguita girl to “make kulit” on me (the only time I saw him smile that night), it fades out quickly. After some thought, I follow a friend’s advice – to let go of what I did not have control to. People change.
Ultimately, the porcelain doll in the box is Lulu. I can see her with a scepter and a tiara in her brilliance. She is my closest friend among all of them. She knows me. They knew that. That night, I can see a facet – she is in love. She talked about a night with her new apple of the eye. I am happy for her.
In my memory, there is always this box of toys with Gerry’s Grill (where we hung out) in its cover. I can always open it to reminisce every time I feel I need to appreciate life more.
Naninibago ako. Ilang buwan nang sobrang tahimik ang paligid ko. Napaka-routine na e ilang buwan pa lang naman ako sa bago kong assignment. Pagkagising, ligo, commute, MRT, office, lunch, office, uwi, bahay, tulog - ganito ang limang araw ko sa isang linggo. Pero kung babalikan ko ang dating tasks, may mga advantages ang ngayon. Yun nga lang, mas tumataba na ata ako. Doble bantay sa pagkain ako ngayon.
Dalawa ang inaabangan ko ngayong Nobyembre - ang halos dalawang linggong bakasyon (kung aprubahan ang leave ko sa 2nd and 3rd) at ang pagpapalabas ng Goblet of Fire. Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. Pahinga at pelikula, okay na yun, sarap na ng buhay ko nun.
Yun nga lang, may mga kailangan isipin. Mi nakapagsabi nga, medyo nagmamature na ako kasi naiisip ko na ang mga bagay tungkol sa ikabubuhay. Balisa ako - yun ang totoo. Isa kasing kahinaan ko ang pagharap sa realidad. Sinasabi ko lang, Kaya ko 'to. Lalo na ngayong na-realize na talagang nag-iisa ako sa laban. Lalo na dito ako sa Pilipinas at may kaguluhan sa paligid. Lalo na malaman kong beinte-kwatro na ako at wala pa ring nangyayari.
Pa-kunswelo na lang. nandyan pa rin siya. Salamat mahal.
"Salamat, di ka tinoyo kanina," sabi niya habang papauwi kami Biyernes ng gabi. Parang gusto ko sagutin ng, "muntik na, lalo na nang umeksena softdrinks ko sa harap ng grupo." Ngunit itinugon ko'y ngiti.
May OP factor kasi ako sa grupo, ewan ko ba kung bakit. Kilala ko naman silang lahat, mi mga kaibigan din naman ako dun. Pero pag kasabay o kaharap ko na sila, natatamimi ako. Siguro dahil di ako updated sa mga pinagsasabi nila, ang work ko kasi. Siguro dahil ang grupong ito ay magaling, at dahil sa self pity, tingin ko ang bobo ko, na kung magsasalita ako, walang sense sa kanila. Napag-usapan na namin ito. Umabot pa nga sa puntong sinabi ko sa kanya na tingin ko "anino" niya lang ako (alam nila kasi), at ganun ang tingin ng ibang ka-miyembro kaya di nila ako pinapansin.
Nakapag-sulat pa nga ako ng tula tungkol sa aking nararamdaman sa kanila, "Opaque" ang pamagat. Nang pinost ko ito walang pumansin. Walang nakakaintindi, sabi ko sa sarili ko. Lingid sa kanila, kahit di kagalingan ang pagbuo ko ng tula, isang breakthrough iyon para sa akin. Mahirap kasing harapin ang sarili, isang feeling na mahirap i-contain, gaya nuong sinulat ko ang kaisa-isang tula tungkol sa Tatay ko (galit ako, pero mellow pa rin).
Sa grupo, iba nga ako, sobrang tahimik. Kinaiinisan ko rin pag ganun ako. Sa mga kaibigan ko kasi sa trabaho, ako'y isang bunsong makulit na ang ingay ay nagmumula sa mga pasaway na banat, pero minsan naniniwala ako na bilib daw sila sa nagagawa ko pag sumeryoso na. Sa bahay, respetado ako, kaya lahat ata ay pinapakinggan ang sinasabi ko pag nagkakasama kami, at nadyan ang mga malusog na baliktaktakan namin ng Nanay ko. Sa ibang mga kaibigan, nandyan ang ka-inosentehan ko sa buhay, kadalasang kasunod ay mga tanong at hirit ko. Pero di ganun ka-tahimik.
Nung gabing iyon, naligtas ako sa ka-hyper-an ng isang miyembro. Nawala ang posibleng pagtotoyo o ang pagsilid ko na naman sa mala-autistic kong mundo sa harap nila. Duon ko sila nakita. Masaya. Napapagmasdan ko pa ang ilan sa mga couples na nabuo sa loob ng grupo, nakakangiti. Tatlong pares ata yung nandun (di ako tiyak sa isa).
Pero bawat isa dun, may ningning, sila ay mga brilyantes na ang kinang ay iba't iba. May kanya kanyang drama, may yabang, may patawa, may totoo, may pakita lang. Ngunit makislap sila, kasi buhay ang mga salita nila.
Sa gitna nila ay siya, walang kapantay ang tabas ng kanyang hiyas. Kaya hindi ako umaalis sa grupo, isa iyon sa nagtatagpo ng aming kislap.
Nakasakay na siya pauwi sa kanila. Huling nasambit ko ay "salamat" din, isang salitang malawak ang kahulugan ng gabing iyon. Cliche man, ngunit puso ang nagsambit. Kasintamis ng unang ngiti ng una naming nasabi yun sa isa't isa. Napakatamis.